Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Rondina at Bagunas, Mr. and Ms. Volleyball sa SMC-PSA Awards

February 15, 2020

 

Nakatakdang parangalan sina Cherry “Sisi” Rondina at Bryan Bagunas bilang Ms. and Mr. Volleyball sa darating na SMC-Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night sa Marso 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

 

Dahil sa kanilang impresibong performance noong nakalipas na taon, sinimentuhan nina Rondina at Bagunas ang kanilang estado bilang mga bagong toasts ng Philippine volleyball.

 

Kapwa nagwagi sina Rondina at Bagunas bilang MVP sa nakaraang UAAP Season 81 para sa kani-kanilang koponan na University of Sto. Tomas at National University ayon sa pagkakasunod matapos pamunuan ang kanilang mga teams sa UAAP Volleyball Finals at kumatawan din sa bansa sa nakaraang 30th SEAG kung saan parehas silang nagwagi ng medalya.

 

Dahil na rin sa kanilang mga naging achievements kung kaya sila ang napiling Ms. and Mr. Volleyball. Tubong Compostela, Cebu, ang 23-anyos na si Rondina ay hahanay sa mga nauna ng kinilala ng PSA bilang Ms.Volleyball na kinabibilangan nina Alyssa Valdez, Aby Maraño, Mika Reyes, Dawn Macandili at Jaja Santiago.

 

Ang 22-anyos na si Bagunas ang ikalawang recipient ng Mr. Volleyball kasunod ng 2-time winner na si Marck Espejo. Ang special award na igagawad kina Rondina at Bagunas ay ilan lang sa mga karangalang ibibigay ng oldest media organization ng bansa sa gala night. 

 

Bukod sa indoor volleyball, nagwagi ring MVP si Rondina sa ika-4 na sunod na pagkakataon sa beach volleyball tournament. Sa pagtatapos ng season, nahirang naman siya bilang UAAP Athlete of the Year sa collegiate team sports.

 

Si Bagunas ang unang manlalaro ng NU na nagwagi ng MVP sa indoor volleyball sa Final Four era at unang manlalaro na nanalo ng award matapos ang limang sunod na taon na napanalunan ito ni Espejo na siyang nakatuwang sa national men’s team na tumalo sa dating champion Thailand sa SEAG upang umabot ng finals sa unang pagkakataon makalipas ang 42 taon at nagwagi ng silver medal.

 

Kasalukuyang naglalaro si Bagunas bilang Asian import para sa koponan ng Oita Miyoshi Weisse Adler sa Japan V-League.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr