Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Rider ng habal-habal, kulong sa P175-K shabu

February 14, 2020

 

Arestado ang isang rider ng habal-habal sa buy-bust operation ng Makati City Police at Eastern Police District, kahapon ng madaling-araw sa Makati City.
Kinilala ang suspek na si Quilben Jakiri Pacheco, 24, ng Bgy. Lower Bicutan, Taguig City.

 

Batay sa ulat, nakipagkoordinasyon ang Drug Enforcement Unit ng EPD sa Makati City Police para makapagsagawa ng operasyon laban kay Pacheco na natukoy nilang nagbabagsak ng ilegal na droga sa Pasig City, ayon sa ikinanta ng isa pang tulak na kanilang nahuli.

 

Alas-12:05 ng hatinggabi nang ikasa ang operasyon sa tapat ng isang fastfood sa Bgy. Comembo na napagkasunduan na tagpuan.

 

Dumating ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo na ipinampapasada.
Nakabili  ng shabu ang nagpanggap na buyer na nagresulta sa pagkakahuli sa suspek.  

 

Nakuha sa kanya ang 25 gramo ng shabu na nagkakahalagang P175,000.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr