Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Rich naman kaya gooo, mag-level-up pa!.. Ambisyosong aktor na ex-matinee idol, may posisyon na sa siyudad ng misis, 'di pa rin kuntento at feeling Senador na

February 15, 2020

BLIND ITEM: Marami ang nakakapansin sa dating sikat na matinee idol na simula nang pumalaot sa mundo ng pulitika at sinuwerte dahil na rin sa suporta ng babaeng kanyang pinakasalan ay bigla na ring nagbago ang aura at feeling senador na kung makaporma.

 

Maraming gustong makamit ang matinee idol noong nagsisimula pa lang siyang mag-artista. Agad-agad ay gusto niyang magbida na sa pelikula. Masuwerte siya at malakas sa isang malaking movie outfit ang kanyang manager.

 

Nagkaroon siya ng mga projects at ang bilis-bilis niyang sumikat. May pagka-ambisyoso rin siya dahil lahat ng pangmayamang sports ay kanyang pinasok.

 

May sponsor naman kasi siyang big-time businessman. Nang hindi na siya pinagbibida sa pelikula ay pulitika naman ang kanyang pinuntirya, hindi nga lang sa Metro Manila kundi sa bayan ng kanyang misis.

 

Kilalang-kilala ang pamilya ng babaeng kanyang pinakasalan kaya damay na siya at tinanggap doon. Ngayon ay nakapuwesto na ang dating matinee idol sa isang lalawigan pero parang hindi masaya ang aktor. Parang may kulang pa rin sa kanyang buhay.

 

Mas mataas pa ang gusto niyang marating sa political arena pero kulang na kulang sa ingay ang kanyang political career. Para kasing hindi siya seryoso sa kanyang pagiging public servant.

 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr