Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Pinoy Shuttlers, naubos sa Indons

February 15, 2020

 

Hindi nakayanan ng Pilipinas ang sobrang lakas ng defending champion Indonesia sa quarterfinals ng Men’s Division ng Badminton Asia Manila Men’s Team Championship 2020 sa Rizal Memorial Coliseum.

 

Pinamalas ng Indones ang kanilang mga World Top 10 players para tapusin agad ang tie, 3-0.

 

Binuksan ni World #5 Anthony Sinisuka Ginting ang tie sa tagumpay sa numero unong Pinoy Ros Leonard Pedrosa, 21-10 at 21-16.  Pinamalas ni Ginting ang liksi at abilidad na gumamit ng iba-ibang lakas ng palo at ang nagawa lang ni Pedrosa ay makatabla ng dalawang beses sa pangalawang set, 9-9 at 10-10. 

 

Sunod na pinasok ang tambalan nina Alvin Morada at Peter Gabriel Magnaye kontra sa World #2 sa doubles na sina Mohammad Ahsan at Hendra Setiawan. 

 

Matapang ang pinakita ng mga Pinoy pero bumigay sila sa pangalawang set upang matapos ang laro, 21-16 at 21-12.

 

Winakasan ni World #7 Jonatan Christie ang tie matapos walisin si Lanz Ralf Zafra, 21-11 at 21-14.  Nakuha ni Zafra ang unang puntos ng laban pero sinagot ito ng siyam na sunod-sunod na puntos ni Christie para makuha ang set at tuloy-tuloy na ito hanggang sa pangalawang set.

 

Dahil sa tatlong maagang panalo ng Indonesia, hindi na nilaro ang nakatakdang pangalawang doubles sa pagitan nina Philip Joper Escueta at Paul John Pantig kontra sa World #5 sa Doubles na sina Fajar Alfian at Muhammad Rian Ardianto.  

 

Lalaro rin sana sa pangatlong singles si Solomon Padiz, ang bayani sa panalo sa Singapore noong Miyerkules, laban kay World #20 Shesar Hiren Rhustativo.

 

Sunod na haharapin ng Indonesia sa semifinals ngayong Sabado ang magwawagi sa tie ng Thailand at Indonesia na nilalaro habang sinusulat ito.  

 

Ang iba pang mga nagtapat sa quarterfinals ay ang Timog Korea at Malaysia at Chinese-Taipei laban sa Japan. 

 

Samantala, buo na ang mga pares sa semifinals ng Women’s Division ngayong araw simula 10:00 ng umaga. 

 

Haharapin ng defending champion Japan ang Malaysia habang magtutuos ang Thailand at Timog Korea.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr