Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Parbuster Ardina, pormado sa ISPS Women’s Aussie Open

February 15, 2020

 

Kumpiyansang nakatutok sa tumatrangkong pangkat si Pinay parbuster Dottie Ardina habang hindi naman makaporma pa sa harap ng malupit na oposisyon ang Fil-Japanese na si Yuka Saso matapos umarangkada ang 2020 ISPS Handa Women’s Australian Open sa palaruan ng Royal Adelaide Golf Club ng Adelaide, Australia.

 

Limang birdies ang naiposte ni Ardina upang kontrahin ang nagpabagal sa kanyang dalawang bogeys tungo sa isang 3-under-par 70 sa kabuuan. Ang mga birdies ay nakamarka sa hole nos. 3, 8, 9, 12 at 15 habang ang mga bogeys ay nasaksihan sa pang-13 at -16 na mga butas.

 

Nasa top 20 ngayon ang 26-anyos na lady golfer mula sa Canlubang (19th) apat na strokes sa likod ng lider ng torneo.Nasa pang-107 na ranggo si Saso, isang Asian Games double gold medalist, dahil sa mapanglaw na iskor nitong 2-over-par 75 strokes.

 

Ang dating premyadong jungolfer ng Pilipinas na si Ardina ay kasalukuyang bumabandera sa Clubcar Series ng Australian Ladies Professional Golf (ALPG) dahil sa nakolektang 973.33 puntos.

 

Malaking tulong dito ay nang nakuha niya ang korona ng 2020 Ballarat Icons Pro-Am Tournament na nagkakahalaga ng $4,500 at may kaakibat na 500 puntos.

 

Nangaldag rin si Ardina sa Aoyuan International Moss Vale Pro-Am matapos siyang sumegunda rito at magbulsa ng gantimpalang $3,000. May nalikom din siyang 400 series points mula sa nabanggit na torneo. Pampito ang nairehistrong pagtatapos ng Pinay golfer sa Findex Yamba Pro-Am.

 

Kabuuang 400 puntos sa likod ng anim na taong pro mula sa Laguna ay si Celine Herbin na nakukuntento sa pangalawang puwesto habang nakaupo sa pangatlong baytang bitbit ang kartadang 512.

 

5 puntos si Holly Clyburn. Nasa pang-anim na baytang si Ardina sa ALPG Order of Merit matapos niyang maisalba ang isang Top 20 performance sa ISPS Handa Vic Open noong nakaraang linggo. Halagang $18,120.71 ang pabuya sa kanyang naipakita sa Beach Golf Links kung saan ginanap ang kompetisyon.

 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr