Pamilya Duterte, inakusahan sa droga.. Trillanes, wanted!

February 14, 2020

 

Ipinaaaresto na ng Quezon City Metropolitan Trial Court (MeTC) si dating Senador Antonio Trillanes IV at ang mga kapwa nito akusado sa umano’y sabwatan na magkasakatuparan ng sedisyon na may kinalaman sa serye ng “Ang Totoong Narcolist” video.

 

Maliban kay Trillanes, may ipinalabas na ring warrant of arrest si QCMeTC Branch 138 Judge Kristine Grace Suarez laban kina Peter Joemel ‘Bikoy’ Advincula, Fr. Flaviano Villanueva, Fr. Albert Alejo, Boom Enriquez, Yoly Ong-Villanueva, Jonnell Sanggalang, JM Saracho, Eduardo Acierto, Vicente Romano at isang ‘Monique’.

 

Itinakda sa P10,000 ang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng mga akusado.

 

Nag-ugat ang kaso sa alegasyon ni Advincula na nagplano ang oposisyon na siraan ang administrasyong Duterte sa pamamagitan ng pag-uugnay sa Punong Ehekutibo at sa kanyang pamilya sa illegal drug trade. 

 

Bahagi umano ng anti-Duterte plot ang mga videos ni alyas Bikoy na nalathala sa online.

 

Samantala, lusot naman sa kaso sina Vice-President Leni Robredo, Senator Leila de Lima, Sen. Risa Hontiveros at dating Senator Bam Aquino.

 

Nabatid mula kay Atty. Larry Gadon, legal counsel ni Advincula, na maghahain ng piyansa ang kanyang kliyente sa korte sa Lunes o Martes. 

Kasalukuyang nasa isang safehouse sa Norte si alyas Bikoy. 

 

Nakapagpiyansa na rin nitong Biyernes sina Villanueva at Alejo.
Nasa ibang bansa pa si Trillanes at maglalagak umano siya ng piyansa pagbalik sa susunod na linggo.

 

“I am out of the country as of the moment for a series of engagements. But I intend to post bail once I arrive in Manila late next week. I will face this case just as I have faced all the other harassment cases Duterte’s minions have filed against me,” ani Trillanes sa text message.

 

Itinakda ng korte sa Marso 17 ang arraignment sa kaso.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.