Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

PSC grassroots sa Visayas, iniatras ang event sa Hulyo

February 15, 2020

 

Ipinagpaliban muna ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mahigit sa 80 iba’t ibang grassroots sports programs mula sa Visayas sa ilalim ng Philippine Sports Institute (PSI) sa kalagitnaan ng taon dahil sa banta ng Corona Virus Disease (COVID-19) outbreak.

 

Ayon kay PSC Commissioner Ramon Fernandez, puntirya nilang ituloy ang mga nahintong programa sa Hulyo kasunod ng pag-anunsyo ng ahensya ng pampalakasan ng pagpapaliban ng lahat ng grassroots event nito. “We are playing it by ear with the recent situation in the country. But definitely, the PSC is ready to proceed,” saad ni Fernandez.

 

Kabilang sa mga naunsyaming programa na nakatakdang pamunuan ng ahensya ng pampalakasan ay ang 30th edition ng UNESCO-recognized Children’s Games na gaganapin sana sa mga siyudad at munisipalidad ng Kanluran, Kalagitnaan at Silangang Visayas, kasama ang pitong edisyon ng Consultative Planning & Coaching Certification bandang Negros Occidental, Cebu at Southern Leyte.

 

Hahandugan din ang mga batang atleta mula sa Aklan, Bohol at Samar ng Talent Identification programs, na may kasamang Sports Journalism Seminar na nakalaan para sa campus sportswriters. “We want to capitalize in bringing sports to the youth sector of the region and raise awareness among children and parents of sports,” wika ni Fernandez.

 

Isa sa mga nakalinyang pangyayari na nakatakdang ganapin ay ang Coastal Children’s Games sa Limasawa, na katatampukan ng selebrasyon ng ika-499th anibersaryo ng unang misa rito.

 

Gayunman, sinabi ni Fernandez na nakikipag-ugnayan na ang lokal na gobyerno ng naturang lungsod sa Department of Health at ibang may kinalaman sa ahensya ng gobyerno kung sakaling itutuloy pa rin ang naturang selebrasyon. “Despite our current situation, preparations for these programs are on-going,” wika ni Fernandez.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr