Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

P1.8 bilyon dagdag-kita sa Bacoor dahil sa Reclamation Area sa Cavite

February 15, 2020

MARAMI na ang excited sa pagsisimula ng reclamation project sa Bacoor, Cavite dahil magpapabilis ito sa pag-unlad ng buong lalawigan.
Magiging sentro ito ng negosyo at industriya!
 

****

 

TULOY ang reclamation sa mahigit 300 ektaryang dalampasigan sa Bacoor, Cavite.
Maiiwan pa rin bilang habitat ang mahigit 400 ektarya!
 

****

 

ANG nalalabing 400 ektarya ang magiging sentrong pangisdaan kung saan

inaani ang mga de-kalidad na tahong at talaba ng Bacoor.
Mananatiling masigla ang mga mangingisda at uusbong ang kaunlaran dahil sa reclamation area!
 

****

 

NATUTUWA ang mga city dwellers na maaapektuhan dahil bibigyan sila ng “in-city relocation — taga-Bacoor pa rin sila.
Ibig sabihin, hindi gaanong apektado ang kanilang hanapbuhay at maging ang pag-aaral ng kanilang mga anak!
 

****

 

NOONG Nobyembre, tumanggap ng Seal of Good Local Governance (SGLG) si Mayor Lani Revilla dahil sa maayos na pangangasiwa sa lungsod.
Kasama sa ebalwasyon ang environment at financial administration, peace and order, business, disaster preparedness at tourism!
 

****

 

IGINAWAD din noong Enero, 2020 sa Bacoor ang gold medal para sa 2019 Environmental Compliance Audit kaugnay sa paglilinis ng Manila Bay na iniutos ni P-Duterte.
Kaya ipatutupad ang reclamation batay sa Manila Bay Sustainable Development Master Plan ng NEDA!
 

****

 

ILILIPAT ang mga informal settlers sa Ciudad Kaunlaran sa Bgy. Molino II.
Ang mga mangingisda naman ay sa “Fishermen’s Village” sa Bgy. Alima kung saan maaaring dumaong ang kanilang mga bangkang pangisda!
 

****

 

AYON kay Revilla, madaragdagan ng P1.8 bilyon ang kita ng lungsod kada taon.
Mabibigyan din ng trabaho ang may 700,000 obrero bukod pa sa sisigla

nang todo ang ekonomiya ng lalawigan dahil sa reclamation project!
 

****

 

TALIWAS sa paniniwala ng ilan, hindi apektado ng naturang reclamation ang kalapit na Las Piñas at Parañaque.
Sa totoo lang, madadamay na rin ang dalawang siyudad sa inaasahang pagsigla ng negosyo at industriya.
Mahalagang magkaroon ng ganitong inobasyon at pambihirang proyekto sa gitna ng modernisasyon at pag-unlad ng teknolohiya sa bansa!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr