Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

P-Digong, ibinulgar na todo-pakiusap si Trump sa VFA, sinopla, hindi raw kawalan

February 15, 2020

Pablo L. Hernandez III / Prangkahan

 

IBINIDA NI P-DUTERTE NA NAKIUSAP SI TRUMP NA I-SAVE ANG VFA, FAKE NEWS—Matatandaang, ipinagyabang kamakailan ni P-Duterte na nakiusap si U.S. Pres. Donald Trump tungkol sa Visiting Forces Agreement (VFA). Ayon sa pangulo, “Ngayon, I’ll make it public. Because public official ako. Si Trump, pati ‘yung iba ay sinusubukang maisalba ang VFA. Sabi ko, ayaw ko.”

 

Pero nang makarating kay Trump ang isyung pag-terminate ni P-Duterte sa VFA, sinabi nitong, “I don’t really mind if they would like to do that, it will save a lot of money,” o sa madaling salita, hindi lang basta fake news na nakiusap ito sa pangulo dahil ang totoo ay wala siyang pakialam, ha-ha-ha!
 

****
 

SI LORENZANA ANG NAG-FAKE NEWS, HINDI SI PANELO —Sabi noon ni DND Sec. Delfin Lorenzana, fake news lang ang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ipinate-terminate na ni P-Duterte ang VFA dahil wala naman daw ganitong utos ang pangulo.

 

Ngayong nagpadala na ng VFA termination letter ang Pilipinas sa Amerika, hindi pala si Panelo ang nag-fake news sa isyung ito kundi si Lorenzana, boom! 
 

****
 

PANELO, SINUPALPAL NI SEC. AÑO—Supalpal ang inabot kay DILG Sec. Eduardo Año ni Panelo sa sinabi nitong fake news lang daw ang balitang sangkot sa ilegal na droga si Police Lt. Col. Jovie Espenido, ang tinaguriang “poster boy” ng Malacañang na kilala sa paglaban sa ilegal na droga dahil mahilig itong mang-”tokhang.”

 

Kinumpirma ni Sec. Año na kaya sinibak ni PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa si Espenido sa Bacolod City Police Office ay dahil pasok na rin ito sa drug list ni P-Duterte, boom!
 

****
 

KAPAG PULIS NA DIKIT SA DILAWAN ANG NASANGKOT SA ILEGAL NA DROGA, IBINUBULGAR AGAD, PERO KAPAG DIKIT KAY P-DUTERTE, VALIDATION MUNA—Ipinaba-validate ngayon ng Malacañang kung totoong sabit sa kalakaran ng ilegal na droga sa bansa si Col. Espenido.
‘Yan ang bad sa “war on drugs” ng gobyerno kasi kapag dikit kay P-Duterte ang nasangkot sa ilegal na droga, kailangan munang i-validate, pero kapag dikit sa dilawan ang nasangkot, mismong pangulo ang nagbubulgar tulad nang idinaldal noon ng pangulo na “narco-generals” daw sina ex-Police Generals Marcelo Garbo, Joel Pagdilao, Edgardo Tinio, Bernardo Diaz at Vicente Loot, tsk-tsk-tsk!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr