Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Nagyoyosi, mas madaling magkaputing buhok

February 15, 2020

 

Puno ng hair follicles ang katawan natin at small sacs sa lining ng ating balat. Ang follicles ay nakapagbibigay ng buhok at kulay nito o tinatawag na pigment cells na mayaman sa melanin. Habang tumatagal at tumatanda tayo, ang taglay nating hair follicles ay unti-unting nawawala kaya pumuputi ang ating buhok. 

 

Normal lang sa atin ang pagputi ng buhok kapag nagkakaedad na tayo, pero ang pagkakaroon ng puting buhok o gray hair ay maaaring lumabas anumang edad natin. Ang nakagugulat na makita ay may mga teenager o nasa 20s pa lang na mayroon nang strands ng white o gray hair kaya iisipin mo na baka nagpakulay sa parlor o gustong maiba ang hair color nila habang

ang iba ay sumasabay sa uso at pabebe lang. 

 

Narito ang ilang paraan para mapigilan ang maagang pagkakaroon ng white hair:

 

1. Kumain ng mayaman sa antioxidants. Ang pagkain ng masusustansiyang pagkain at mayaman sa antioxidants ay nakakatulong sa ating kutis at buhok.

 

Halimbawa ng pagkain na may antioxidants ay ang sariwang prutas at gulay. Magandang idagdag sa inyong diet ang prutas at gulay dahil nakakakinis ito ng balat at kumikintab din ang ating buhok. 

 

Ang isda ay mayaman sa protina na maganda sa katawan at mayaman din ito sa oil para sa pagpapaganda kaya mainam na kumain nito. Gayundin, ang pag-inom ng green tea ay nakalilinis at nawawalis nito palabas ang toxins na nasa ating katawan.

 

2. Uminom ng vitamins. Ang pagkakaroon ng white at gray hair ay sanhi ng kakulangan sa mga bitamina tulad ng Vitamins B-6, B-12, D, E at Biotin. Ayon sa mga pag-aaral noong 2015, kapag may kakulangan tayo sa Vitamins D-3, B-12 at copper, may malaking epekto ito sa pigmentation o kulay ng ating buhok kaya ugaliin natin ang pag-inom ng nasabing mga bitamina.

 

3. Itigil ang paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay nakapagbibigay ng matinding epekto sa buhok at katawan. Ayon sa pag-aaral ng Italian Dermatology noong 2013, ang mga smokers ay 2.5% na maagang tinutubuan ng puting buhok at gray hair bago mag-30-anyos at karamihan ay mga lalaki. Kaya madalas tayong makakita na may gray hair marahil dahil sila ay nagsimulang manigarilyo sa murang edad.   

 

4. Bawasan ang PAGKUKULAY NG BUHOK. Ang hair dyes at iba pang hair products ay mayroong mga kemikal na nakasasama sa ating mga anit. May mga sangkap ito na may matinding epekto kaya nababawasan ang melanin sa ating buhok. Isang halimbawa ng kemikal na karamihang inilalagay sa hair dye ay hydrogen peroxide. 

 

Ang labis na paggamit nito ay nakasusunog ng balat, lalo na sa anit. Gayundin, pati ang pagbi-bleach ng buhok ay nagdudulot ng malaking damage sa ating crowning glory.

 

5. Iwasang ma-stress. Ang sobrang  pag-iisip at sagad na pagtatrabaho ay kadalasang nagreresulta sa pagod at stress kaya nagkakaroon tayo ng white o gray hair. Sa isang pag-aaral sa New York University, ang katawan ay binubuo ng cells at ito ang responsable sa pagbibigay ng kulay sa ating buhok. Sa tuwing makararanas tayo ng stress, naaapektuhan ang lahat ng parte ng ating katawan at ang tinatamaan ng sakit ay ang ating balat at buhok. 

 

Dahil dito, nagkakaroon tayo ng pimples, dandruff at tinutubuan tayo ng white hair. Mahalagang palagi tayong relaxed at masaya sa araw-araw na ginagawa natin. Maging kalmado rin sa pagtatrabaho at iwasan ang magalit.

 

Magandang exercise rin ang pagngiti dahil nakakabata ito at nakagaganda. 

 

Kung sakaling ang dahilan ng pagputi ng ating buhok ay genetics o nasa lahi at namamana, may alternatibong paraan para hindi agad pumuti ang buhok tulad ng paggamit ng curry leaves, black tea at ridge gourd oil. 

 

Walang chemical na halo ito na nakaaapekto sa ating balat at buhok.

 

Copy?

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr