Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Mga kalahok sa Supremo Obstacle Challenge, hahasain

February 15, 2020

 

Minahan na ng ginto ang Obstacle Course sa nakaraang 30th Southeast Asian Games kung saan winalis ng Pilipinas ang lahat ng anim na ginto at 10 sa kabuuang 19 na ginawad. 

 

Dahil dito, gaganapin ang Medicard Supremo Challenge sa Mayo 31 sa Glorietta Activity Center, isang kakaibang hamon para mahimok ang mas maraming mamamayan na mabuhay ng malusog at magpalakas ng katawan. 

 

Bago ang lahat, kailangang pumasa ang isang sasali sa dalawang linggong ensayo simula Marso 16 sa Centris, Quezon City. 

 

Tatagal ito hanggang Marso 27 at susundan sa Abril 20 hanggang Mayo 1 sa Filinvest, Alabang at Mayo 5 hanggang 15 sa Ayala Triangle, Makati.

 

Bukas ang programa sa 36 na tao lang. Ang tatlong pinakamahusay na lalaki at babae sa Beginner at Advanced ang maglalaro sa Mayo 31. Para magpalista at mga dagdag kaalaman, bumisita sa www.medicard lifestyle.com. 

 

Gagabayan ang lahat ng mga lisensiyadong mga coach na may malawak na karanasan. Sakop dito ang paghasa sa pagtakbo, lakas at liksi – mga kailangan upang mabuo at malampasan ang mga obstacle.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr