Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Mga co-stars, masuwerte pa nga raw… Hirit ni Robin: Pagpapasara sa ABS-CBN, chance na ng mga artista para mabago ang sistema

February 15, 2020

Nitz Miralles / Bida

 

Photo: @robinpadilla.official

 

Mababasa ang paghingi ng pasensiya ni Robin Padilla sa mga nasaktan sa FB post niya kahapon kung saan hinamon ang mga artista ng ABS-CBN, TV5 at GMA-7 na magpakitaan sila ng kontrata.

 

Sabi ni Robin, “As a gift to my wife this Valentine’s Day, I apologize to all her family and friends in ABS-CBN, gano’n din sa GMA at TV5. Patawarin n’yo ako, the ex-convict in me overtook my emotions. Inaamin ko ang aking pagiging mapusok. I could have said my piece in a spiritual way. ‘Let’s give the profit of our labor to our employers but our voices to the labourers’ @marieltpadilla.”
Sagot ni Mariel: “Thank you very much!!! I love you. I appreciate this so much. Happy Valentine’s Day.”

 

Bago ang part sa post niya na nag-apologize si Robin, nabanggit nitong tinawag siyang pabida ng ilang netizens at may maganda siyang sagot dito.

 

Ipinagmamalaki ni Robin na naabutan niya ang golden era ng movies at TV gayundin sina FPJ, Rudy Fernandez at ibang artista na naging boses ng mga manggagawa sa sining, hindi lang naisabatas ang mga negosasyon.

 

Ayon pa kay Robin, masuwerte ang mga artista ngayon dahil bumagsak sa harapan nila ang isyu ng ABS-CBN at chance na mabago na ang working condition sa entertainment industry, bagay na hindi naibigay sa mga hari ng pelikulang Pilipino.

 

Nagbunga raw ang sakripisyo at pagpanaw ni Eddie Garcia para isulong na ang pagbabago sa industriya.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr