Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Mga baguhang negosyante, tinuturuang magtagumpay sa Go Negosyo

February 15, 2020

Bulgarific 

 

Hello, Bulgarians! Fifteen years nang nagbabahagi ng kaalaman pagdating sa pagnenegosyo ang Go Negosyo. Kaya naman, bilang pagdiriwang ng ika-15 anibersaryo ng Go Negosyo ay nagkaroon ng libreng mentorship session o Mentor Me On Wheels (MMOW) kasama ang Department of Trade and Industry. Ito ay ginanap sa Glorietta 3 Activity Center noong February 10.

 

Sa mentorship session na ito, nagkakaroon ang lahat ng aspiring entrepreneurs ng chance na makausap at maka-face-to-face ang mga business executives na naging successful na sa piniling negosyo at larangan.

 

Nagkakaroon ng pagkakataon ang mga aspiring entrepreneurs, small, medium o large man na makapagtanong at makahingi ng advice sa mga kilalang negosyante.

 

Bukod pa rito, nagkaroon din ng mga booth tulad ng iba’t ibang bangko at fine-tech platforms para matulungan ang mga negosyante kung paano makakukuha ng pondo at kung paano makakapag-loan para sa sinisimulang negosyo.

 

Ibinahagi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo Founder Joey Concepcion na ang mentorship ang sentro sa kanilang adhikain na makatulong sa mga aspiring entrepreneurs.

 

Ilan sa naging supporters, mentors at industry leaders na dumalo at namahagi ng kanilang kaalaman ay sina DTI Sec. Ramon Lopez; DOST Sec. Boy de la Peña; Ruel Maranan (Ayala Foundation); Bernie Liu (Golden ABC); George Barcelon (PCCI); Johnlu Koa (French Baker); Rikki Dee (Foodee Global Concepts); Roland Hortaleza (Hortaleza Corp.); Rex Daryanani (FICCI); Sherill Quintana (PFA); George Royeca (Angkas); Simon Heo (Shopee); Brian Cu (Grab); Feliz Ang (Auto Nation Group Inc.); Myrna Yao (Richwell Trading Corp.); Emma Imperial (Imperial Homes); Justin Uy (Profood International Corp.); Marga Nograles (Kaayo Modern Mindanao) at Samie Lim (PFA).

 

Ang MMOW ay isa sa mga programa ng Go Negosyo at DTI kung saan tinutulungang umunlad at binibigyan ng kaalaman pagdating sa pagnenegosyo ang mga micro at small entrepreneurs.
 

♥♥♥

 

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

 

Got to go! It’s so Bulgarific!

 

xoxo

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr