Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Mandaluyong Liberation Day Racefest start na

February 15, 2020

 

Magaganap na ang umaatikabong bakbakan sa pagsisimula ng Mandaluyong Liberation Day Racingfest sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas ngayong araw.

 

Kasabay nito, aalagwa ang carry-over sa Super Six na halagang P26,910.67 sa pagtakbo ng Race 1 panimula ng 1st Pick 6. Nakalalamang ang Watermania habang makakalaban ang Fortune Island at isama sa Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six ang Hello Dolly, Siquijor, ang couple entry na Sweetness at Thy Will, ang couple entry na Musikera at Ungkaw at couple entry na Gold Bar at Exelero.

 

Sa Race 2,simula ng 1st Pick 5 magaganap ang Business Permit & Licensing Department trophy race at ipinapatok ang Jawo, makakalaban ang Double Time Swing at Daldalero, isama sa Quartet, Pentafecta at Super 6 ang Yoshiko, Lady Khaleesi, Rosario Princess at Amihan.

 

Sa Race 3, magaganap ang Budget Department and Treasury department trophy race, ipinapatok ang Calbayog at Forecast Only, Palaui Island at Mount Kabunian sa umpisa ng Pick 4 event.

 

Sa Engineering and Building Official Trophy Race magaganap ang umpisa ng 2nd Pick at makikita ang mahigpit na maglalaban na couple entry na Anino at  Mark Excellence, Serafina, Beacon Street, Kapayapaan at couple entry na Messi at Ginuhit ng Tadhana sa Race 4.

 

Sa Race 5, umpisa ng 2nd Pick 6 ng Administrator’s Department Trophy race nakalalamang ang Early Bird na makakalaban ang Batang Baclaran. Sa Race 6 simula ng 3rd Pick 5, sa Human Resources Management Department Trophy race nakalalamang ang Huckleberry habang makakalaban ang Rockaway.

 

Sa Race 7, simula na ang 2nd Pick 4 at nakalalamang ang Beyond D’ Sea makakalaban ang Fruity Pebbles at A Song for Gee. Sa Race 8, mahigpit na maglalaban ang Marahuyo, Sorsogon Bay, It’s a Deal, At El, Fly Like An Eagle sa Health Department Trophy race.

 

Sa Race 9 ng Mandaluyong Anti-Drug Abuse Council ipinapatok ang Lady of Peace habang sa Race 10 ng Traffic and Parking Management Trophy race paglalabanan ng Mandatum, Kala and Bachi at Clear Talk.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr