Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Laborer, nabuhusan ng natutunaw na bakal, patay

February 15, 2020

 

Patay ang isang laborer nang aksidenteng mabuhusan ng natutunaw na bakal sa kanyang pinagtatrabahuhan sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala  ang  nasawi na si Edgardo Obzunar, 45, scrap charger at residente ng Valenzuela City.

 

Alas-7:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa 8th MGM Industrial Compound sa Mindanao Avenue, Bgy. 166, Kaybiga, Caloocan City.

 

Sa pahayag sa pulisya ng saksing si Carlo  Riego, 24, crane operator, nagtatrabaho sila sa naturang lugar nang makarinig sila ng  ingay mula sa lugar kung saan nagtatrabaho ang biktima.

 

Nang puntahan ng saksi, nakita nito ang biktima na nabuhusan ng natutunaw na bakal kaya pinagtulungan nilang buhusan ng tubig si Obzunar.

 

Gayunman, hindi na naisalba ang biktima dahil sa mga tinamong sunog sa kanyang katawan.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr