Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Ibinuking ng kapwa pintor… Painting ni goma ng Manoy binili ni Ben Chan ng P250 K!

February 15, 2020

Janice DS Navida / Showbiz Special

 

Sa Pandesal Forum kahapon hosted by Kamuning Bakery owner Mr. Wilson Flores para pag-usapan ang lumalalang kondisyon ng teen-age pregnancy sa bansa, may na-meet kaming isang painter na ipinakilala sa amin ni kapatid na Wilson.

 

Sa konting tsikahan namin at katatanong tungkol sa mga celebrities na nahihilig mag-paint, may nahugot kami sa kanyang impormasyon na ‘yung controversial painting pala ni Ormoc City Mayor Richard Gomez ng “yellow dick” ay naibenta ng aktor sa tumataginting na… hawak kayo sa upuan… P250 thousand lang naman!

 

Imagine that, devah? ‘Yung napakasimpleng ‘yellow dick’ painting na ‘yun na inokray-okray at pinagtaasan pa nga ng kilay ng mga netizens, akalain mong may bumili ng P250 K?!

 

Eh, teka, sino nga ba’ng bumili? 
Well, wala pong iba kundi ang super rich na owner ng Bench na si Mr. Ben Chan!

 

Sabagay, matagal naman na silang super close friends kaya ano ba naman ‘yung P250 K kay Mr. Ben Chan, ‘no?!

 

‘Yun na!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr