Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Horoscope | Pebrero 15, 2020 (Sabado)

February 15, 2020

 Maestro Honorio Ong

 

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 15, 2020 (Sabado): Isinilang ka nang dahil sa pag-ibig kaya umibig ka at sa pag-ibig, ikaw ay liligaya. Huwag mong hadlangan ang puso mo, bagkus, bigyang-laya mo ang iyong damdamin.

 

 

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Obligasyon ng bawat tao ang pasayahin ang kanyang minamahal. Ihinto mo muna ang iyong pinagkakaabalahan dahil marami pang mga araw na darating kaya unahin mo ang iyong mga mahal sa buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-24-30-36-44.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pinakamakapangyarihan ang pagmamahal dito sa mundo. Ito rin ay nagsasabing lumalakas ang tao kapag siya ay may minamahal, kaya magmahal ka at lalakas ang personalidad mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-11-18-26-28-34.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Mabilis na magbabago ang buhay-pag-ibig mo. Ito ay mangyayari kapag ang kasalukuyang pakikipagrelasyon ay wala nang saya na nadarama. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-25-28-31-32-38.

 

CANCER (June 21-July 22) - Magsisimula ang mahabang paglalakbay sa buhay papunta sa kasaganahan nang dahil sa matatamis na ngiti. Mula sa mga labi mo ang mga ngiting magpapabago sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-11-13-15-28-32.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Nagsasakripisyo ang nagmamahal. Sa totoo lang, sa pagsasakripisyo nasusukat ang pagmamahal. Magsakripisyo ka at ito ay hindi masasayang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-28-30-39-43-46.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mapaghintay ang pag-ibig, pero ito rin ay hindi mainipin. Nakakamit ang tunay na pagmamahalan hindi sa pamamagitan ng mabibilis at biglaang pagkilos. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-10-17-21-25-26-45.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magmamahal ka kahit may mahal ka na. Sa iba, ito ay masama pero ang magmahal ay pangkaraniwan lang. Ang tunay na masama ay ang hindi napigilan ang sarili. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-19-26-28-38-42.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi makababawas sa kabuhayan ang pagpapakita ng  pagmamahal sa minamahal. Ang pagpapakita ng  pagmamahal ay sa pamamagitan ng regalo na ikatutuwa ng minamahal. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-18-22-24-27-38.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pag-ibig ang dapat maghari ngayon, pero

ikaw ay patuloy na nakikipaglaban sa kung ano ang dapat unahin, ang pag-ibig o pangarap? Sa umpisa, pangarap ang importante. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-29-30-31-33-36.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung hindi ka yayayain, ikaw ang magyayaya.  Ito ay kung tunay ang iyong pagmamahal. Labis kang masasaktan, pero palihim lang. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-17-20-21-29-33.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bulaklak o pera?  Sa marami, ngayon ay panahon  ng pag-ibig, kaya mas mahalaga ang bulaklak. Sa iba naman, sa lahat ng panahon, pera ang sa kanila. Ano ang para sa iyo? Pera at bulaklak  ang tiyak na mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-18-20-24-26-38.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Labis kang liligaya kapag sa malayo kayo pumunta ng mahal mo. Ang ibinabalita sa iyo kung sino ang makakasama mo sa malayo, siya na at wala nang iba ang tunay na para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-15-25-29-30-31.

 

Valentine date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus, extended!

 

Good news sa mga gusto pang humabol sa Date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus! Dahil abalang araw po ang Feb. 14 para sa mga taong nag-iibigan, napagdesisyunan po ng pamunuan ng BULGAR na i-postpone ang ating Valentine promo at ilipat ito sa Feb. 29, Sabado, 2 to 5 PM, nang sa gayun po ay maiwasan nating maabala ang mga may naka-schedule nang Valentine date sa mismong Araw ng mga Puso.   


Para sa mga gusto pang humabol at sumali sa aming Valentine promo kung saan makaka-face-to-face sina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus para basahin nang LIVE sa BULGAR Facebook page ang iyong kapalaran ngayong 2020, narito po ang mechanics…


Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR newspaper hanggang February 25, 2020 sa email add na:


datehonoriosocrates@gmail.com. Puwede rin itong ipadala thru BULGAR Facebook Messenger, Twitter (@bulgarofficial) at Instagram (bulgar_online) account o ihulog ang sulat na naglalaman ng inyong impormasyon, piktyur ng guhit ng palad at selfie na may hawak na BULGAR newspaper sa 538 Quezon Avenue, QC.   


Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa Feb. 29 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.


Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa BULGAR FB Live sa February 29, 2 to 5 PM at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.


So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr