Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Hindi na mahal ang ka-live-in pero hindi alam kung paano hihiwalayan

February 15, 2020

 

Dear Roma, 
          Ako si Ramil, hindi ko alam kung paano ako makikipag-break sa kinakasama ko. Aaminin ko na hindi ko na siya mahal at iniisip ko na lang kung paano ko maibabalik sa kanya ang mga nagastos niya sa bahay na binabayaran namin. Nasasaktan ako dahil alam kong mas masasaktan siya, pero anong magagawa ko kung wala na ‘yung pagmamahal ko sa kanya?

 

Wala siyang mali at ako lang naman ‘yung nagkakaganito. Gayundin, wala akong iba, sadyang nawala lang ang pagmamahal ko sa kanya. Ano ang dapat kong gawin? — Ramil

 

Ramil,
           Mahirap at masakit ang gagawin mo sa taong nagmamahal sa iyo nang lubos at totoo dahil kasama mo siya sa pagbuo ng mga pangarap ninyo, pero sa isang iglap lang, ito ay mawawala na parang bula. Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit nawala ang pagmamahal mo sa kanya, dapat mo munang pag-isipan at analisahin ang nararamdaman mo dahil baka pansamantala lang ‘yan at ma-realize mo ulit na mahal mo pa rin pala siya. Nasa huli ang pagsisisi at hindi mo na maibabalik pa ang damage na maaari mong magawa kaya pag-isipan mo munang mabuti bago ka magdesisyon. Good luck and God bless! 
 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr