Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Hinang-hina, makikita sa short video.. Kris, di makabuhat ng kahit cake lang

February 15, 2020

Vinia Vivar / Frankly Speak

 

 

Hindi kinaya ni Kris Aquino ang promise niya na mag-o-off muna sa social media dahil sa kanyang birthday wellness retreat na ginagawa ngayon. Nag-post siya kahapon sa eksaktong birthday niya para mag-update sa mga fans at para magpasalamat sa kanyang staff at dalawang anak na sina Joshua and Bimby na pinuntahan daw talaga siya para batiin.

 

Makikita sa short video na ipinost ni Kris na pumapasok sina Joshua and Bimby sa kanyang room kasama ang mga staff na may hawak na mga cakes.

 

They were all in pink shirt na favorite color ni Kris.

 

Unang ibinigay ni Joshua ang hawak niyang cake sa ina at naawa naman kami kay Kris dahil aniya ay hindi raw niya ito kayang buhatin. Halata sa boses at kilos niya na nanghihina siya.

 

“I wasn’t supposed to be home... I gave several natural wellness treatments my open mind, #nocomplaining #noexplaining... just THANK YOU to my neurologist Dr. Piano for being here at home at 1:30 AM to check on my neck, migraine attack, and back & right arm spasms.. Anyway, what’s important is I want to be HEALTHY & nobody wanted me to spend a birthday w/ little movement.

 

“My sons & my staff went the distance to make me feel their love & appreciation... How could I not post this gratitude video?” ang bahagi ng caption ni Kris.

 

Sa kanyang sumunod na post ay makikita naman siyang nasa bathtub na nakabalot sa dahon ng saging.

 

“Nope- hindi po sa ‘kin balak ipatong ‘yung “boodle fight”... (inunahan ko na kayo),” ang bungad ni Kris sa caption.

 

Pagkatapos nito ay nagpasalamat siya sa lahat ng mga bumati sa kanya on her birthday.

 

Sinabi rin ni Kris sa kanyang post that she’s going to be away.
“I’m going to be “away”... (with no definitive timeline: I’m teaching myself how to embrace calm, enjoy the quiet, act patiently, and live peacefully).

 

“I’ll privately try to rebuild important relationships, rediscover my “IKIGAI”, and heal (KINTSUGI) every remaining shattered piece of me... you and I deserve nothing less than a Kris Aquino with only golden scars.

 

“You will forever possess the most heartfelt gratitude from an almost 49-year-old—because you helped make almost every childhood dream she ever had come true. That is WHY—-

 

“And I’ll tell you all about it when I SEE YOU AGAIN,” ang saad pa ni Kris.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr