Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

FIBA Asia qualifiers: Gilas vs. Thailand, kanselado

February 15, 2020

 

Dahil sa nakakaalarmang outbreak ng  coronavirus disease (COVID-19), nagkansela na rin ng FIBA ang mga nakatakdang laro para sa unang window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers ngayong huling linggo ng Pebrero kabilang na ang Gilas Pilipinas’ home game kontra Thailand sa Pebrero 20.

 

Sa kanilang official Twitter account, inihayag ng international governing body para sa basketball ang kanilang anunsiyo. 

 

Magtutuos sana sa darating na Huwebes ang Gilas at ang mga Thais sa Araneta Coliseum para sa una nilang laro sa first window ng qualifiers. “Due to the current #coronavirus outbreak, @FIBA Asia has taken the decision to postpone the following #FIBAAsiaCup 2021 Qualifier games: 20 Feb: PHI vs THA; 21 Feb: JPN vs CHN; 24 Feb: CHN vs MAS.

 

The new dates will be announced later,” ayon sa post ng FIBA. Bukod sa nakatakdang laban ng Gilas at Thailand, kinansela rin ng FIBA ang home game ng Japan kontra China sa Pebrero 21 at ang home game ng China kontra Malaysia sa Pebrero 24.

 

Wala pa silang ibinigay na bagong petsa kung kailan idaraos ang mga ipinagpalibang laro.

 

Samantala, matutuloy naman ang nakatakdang ikalawang laban dapat ng Gilas Pilipinas na isang road game kontra Indonesia sa Pebrero 23 sa BritAma Arena sa Jakarta.

 

Kinumpirma ito ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) kahapon kasabay ng kumpirmasyon sa postponement ng unang laban ng Gilas sa Thailand. “At 7:55PM, SBP received word from FIBA Asia postponing the Philippines game vs Thailand on Thursday, February 20, 2020 in SMART Araneta in consideration of the Philippine Department of Health Advisory against “ . . . organizing events with mass attendance” as a precaution re threat of the corona virus epidemic,” pahayag ng SBP.

 

“However, the game against Indonesia in Jakarta on Sunday, February 23rd will proceed as scheduled,” dagdag nila.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr