Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Espenido, sangkot sa illegal drugs.. P-Digong, hindi naniniwala — Palasyo

February 14, 2020

 

Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang pagkakasabit  ng  pangalan ni Lt. Col. Jovie Espenido sa bagong narcolist na hawak ni Pangulong Rodrigo Duterte, gayundin ang pagkakasibak nito bilang hepe ng pulisya sa Bacolod City.

 

Gayunman, nilinaw ni Año na patuloy pang isinasailalim sa validation ang listahan at ang posibilidad na maimbestigahan si Espenido.
Matatandaang, si Espenido ang police chief ng Albuera, Leyte noong 2016 nang mapatay ang alkalde ng nasabing bayan na si Rolando Espinosa, Sr. habang nakapiit sa kasong ilegal na droga.

 

Sinabi ni Año na kabilang si Espenido sa ikalawang batch ng mga pangalan na nadagdag sa  narcolist ngunit, hindi malinaw kung kailan naisama ang pangalan nito.

 

May isang buwan ang mga nag-iimbestiga sa 357 pulis na dawit umano sa illegal drug trade para tapusin ang pag-uungkat at magbigay ng rekomendasyon.

 

Tiniyak naman ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac na iimbestigahan pa rin ang mga pulis na maagang nagretiro matapos madamay sa narcolist.

 

Samantala, kumbinsido ang Malacañang na malinis si Espenido kasunod ng pagkakasama ng pangalan nito sa listahan ng mga pulis na sangkot sa ilegal na droga.

 

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, may black propaganda laban kay Espenido na dungisan ang kanyang reputasyon lalo pa at matindi ang kanyang kampanya kontra droga. Naniniwala aniya ang Pangulo na walang katotohanan ang mga ulat na sangkot si Espenido sa kalakaran ng illegal drugs. 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr