Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Edad 10-14.. 2,250 nabuntis sa 1 taon

February 14, 2020

 

 

Tumaas pa ang bilang ng mga edad 10  hanggang 14 na maagang nabubuntis.

 

Batay sa ipinalabas na pag-aaral ng Commission on Population and Development (POPCOM), naitala ang 63 porsiyento ng dami ng mga ipinapanganak ng mga menor-de-edad mula noong 2011 hanggang 2018.

 

Noong 2018 pa lang, aabot na sa 2,250 na sanggol ang ipinanganak ng batang ina.
Bumaba naman ang teenage pregnancies ng mga babaeng may edad na 15 hanggang 19 mula sa dating 182,906 noong 2017 ay naging 181,717 noong 2018.

 

Ipinaliwanag ng POPCOM na sa magkaibang trend ng dalawang grupo ng adolescents ay sanhi ng magkaibang batayan kabilang ang edad na nagsimula ang buwanang dalaw, kawalan ng sapat na edukasyon, bukas sa mapanganib na behavior sa internet at sa impluwensiya ng mga kaibigan. 

 

Maaari ring batayan ang kakulangan ng information dissemination at access sa family planning para sa mga nakababatang populasyon.

 

“Dahil sa institutional work, bumababa ‘yung pregnancy sa 15 to 19 (years old) pero ‘yung 10 to 14 (years old) mas strategic yata ang action na kailangan natin. Dapat it’s more cultural, we need to get more institutions and adults involved,” paliwanag ni POPCOM Chief Juan Antonio Perez III.

 

Sinabi naman ni Department of Health Program Manager Dulce Elfa na maihahanay sa tatlong grupo ang mga kabataang babae — hindi aktibo sa sex; aktibo sa pagtatalik at buntis o isa ng magulang.

 

Samantala, inihayag din ng POPCOM na mayroong tinatayang 130,000 sanggol na bunga ng maagang pagbubuntis ang may ama na 20-anyos pataas.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr