Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Dapat knows mo ito, besh, para maiwasan... Iba’t-ibang dahilan kaya nasisira ang friendship

February 15, 2020

 

Gaanuman katagal o kasaya ang pinagsamahan ng magkakaibigan, hindi mawawala ang mga hindi pagkakaintindihan hanggang sa mauwi na ito sa F.O. o friendship over. 

 

Childhood friend man natin ito, college buddy o nakilala sa trabaho, isa sa mga pinakamahahalagang tao sa buhay natin ay ang kaibigan, ‘yung tipong sila ang kasama natin sa iba’t ibang moments at milestones ng ating buhay. 

 

Pero sa kabilang banda, anu-ano nga ba ang mga dahilan kung bakit nauuwi sa F.O. ang pagkakaibigan?

 

1. PAGKASIRA NG TIWALA. ‘Ika nga nila, ‘pag nasira ang tiwala kahit gaano pa kaimportante ang tao sa iyo, magbabago talaga ang pagsasama n'yo. Isa ito sa mga  pangunahing sangkap ng matatag na pagkakaibigan kaya kapag nagkalamat na, ito na ang simula  ng unti-unting pagkabuwag ng inyong pinagsamahan.

 

2. MASYADONG MAPAGSAMANTALA. Ito ‘yung tipong walang silbi ang dami ng mga naitulong mo dahil lamang sa isang beses na pagtanggi. Sa totoo lang, walang masama kung magbibigay tayo ng pabor dahil parte ng pagkakaibigan ang pagtutulungan, lalo na sa oras ng kagipitan. 
Pero madalas, nagagamit din ito para sa pananamantala ng tao kaya ang ending, mag-aaway kayo hanggang sa tuluyan nang mawalan ng pakialam sa isa’t isa.

 

3. KAWALAN NG KOMUNIKASYON. Hindi alintana na habang tumatanda tayo, dumarami at  nadaragdagan ang ating mga responsibilidad sa buhay at kasabay nito ay nagiging limitado ang ating panahon. 
Hindi nagkakatugma-tugma ang inyong mga schedule o free time para magkita-kita kaya nawawalan na ng balita sa isa’t isa. Bagama’t, may mga friendship na nasu-survive ang phase na ito, may ilan ding nawala na lang.

 

4. HINDI MARUNONG MAKINIG. Bawat isa ay may kani-kanyang personalidad, lahat tayo ay magkakaiba ng perspektibo o pang-unawa sa buhay at  madalas, ito rin ang dahilan kung bakit nagkakaroon  ng  problema sa pagitan ng magkaibigan. Kung hindi matututunan ang pakikinig sa magkabilang panig, siguradong F.O. ang kahahantungan n'yo.

 

Masuwerte ang mga taong hanggang ngayon ay may matatag na samahan sa kanilang mga kaibigan. Sa totoo lang, mas mahirap maka-get-over sa friendship break-up kesa sa romantic break-up. 

 

Tandaan natin na ang mga alitan o hindi  pagkakaunawaan ay parte lamang ng pagsubok sa buhay kaya dapat ay matutunan natin  itong lampasan nang walang isinasaalang-alang na anuman o sinuman. Gets mo?

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr