Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Walang BF, susuwertehin kung iibahin ang pirma at tatapusin nang paitaas

February 15, 2020

Maestro Honorio Ong

 

Dear Maestro,
          Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil gusto kong malaman kung ano ang aking masusuwerteng kulay, araw, buwan at taon? 

 

Wala pa akong boyfriend, pero may mga manliligaw naman ako. Gayundin, nais kong malaman kung sinu-sino ang mga ka-compatible kong lalaki na dapat kong makasama sa buhay upang magkaroon ako ng maunlad at maligayang pamilya? 

 

Pakisuri na rin kung okey ba ang aking lagda? January 10, 1994 ang birthday ko.
 

Umaasa,
Ayette ng Dolores, Bacolor, Pampanga

 

Dear Ayette,
          Ayon sa birth date mong 10 o 1 (ang 10 ay 1+0=1) sa zodiac sign na Capricorn at sa destiny number na 7 (1+10+1994 =2005/ 20+05=25/ 2+5= 7), ka-compatible mo silang mga may birth date na 1, 11, 20, 29, 4, 13, 22, 31, 8, 17, 26, 7, 16, at 25, higit lalo kung silang mga isinilang sa mga zodiac sign na Virgo, Taurus, Cancer at kapwa mo Capricorn. 

 

Sinuman sa mga manliligaw mo ang may ganyang zodiac signs at birth date, siya ang sagutin mo upang makasiguro ka sa maunlad at maligayang pagpapamilya habambuhay.

 

Mapalad ka naman sa kulay dilaw, ayon sa birth date mong 10 o 1. Berde naman ang secondary color mo kung ang destiny number mong 7 ang pagbabatayan.

 

Dahil ang birth date mong 1 ay under sa planetang Sun habang ang destiny number mong 7 ay under sa planetang Neptune-Moon at ang zodiac sign na Capricorn ay under sa planetang Saturn, ibig sabihin, mapalad ka tuwing sasapit ang mga araw ng Lunes, Sabado at Linggo, higit lalo sa mga petsang 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22, 31, 7, 16, 25, 2, 11, 20 at 29, gayundin sa mga petsang 8, 17 at 26.

 

Kusa namang iigting ang mabuting kapalaran mula sa ika-19 ng Abril hanggang sa ika-25 ng Mayo, mula sa ika-19 ng Agosto hanggang sa ika-25 ng Setyembre at mula sa ika-19 ng Disyembre hanggang sa ika-25 ng Enero.

 

Hinggil naman sa iyong lagda, okey na ang simula at gitnang bahagi ng iyong pirma. Medyo pumangit lang sa bandang dulo dahil dumausdos ang pinakapaa o buntot ng letrang “e”. 

 

Sa halip na tapusin pababa, ang nasabing paa ng letrang “e” ay mas maganda kung tatapusin mo sa pamamagitan  ng straight line o guhit na pasibat-paitaas na direksiyon. Sa ganyang pagbabago ng iyong pirma, lalo pang gaganda, lalago at magiging maligaya ang iyong kapalaran.

 

Samantala, ayon sa Decadens ng Kapalaran, significant at favorable year mo ang taong 2022 kung saan sa nasabing taon, sa edad mong 28 pataas, magkaka-boyfriend ka na at magiging maligaya, kasabay nito, lalo pang gaganda ang iyong career hanggang sa tuluy-tuloy mo nang makamit ang matagumpay at maligayang pagpapamilya habambuhay.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr