Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Alerto sa Taal Volcano, ibinaba na sa Level 2

February 14, 2020

 

Ibinaba na sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal sa Batangas matapos mabawasan ng malaki ang mga aktibidad nito sa nakalipas na mga linggo.

 

Huling ibinaba sa Alert Level 3 ang Taal Volcano noong Enero 26 mula sa Alert Level 4 noong Enero 12, makaraan itong sumabog.

 

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nabawasan na ang bilang ng mga volcanic earthquake, wala na ring gaanong ground deformation sa Caldera at sa mismong Taal Island at mahina na ang pagbuga ng usok o steam mula sa main crater.

 

Matapos ibaba sa Alert Level 2, binigyan-diin ng Phivolcs na mananatiling bawal ang tao sa Taal Volcano Island na itinuturing na permanent danger zone.

 

Hindi pa rin umano nawawala ang banta ng pagsabog anumang oras.
Binigyan-diin ng Phivolcs na nananatili ang posibilidad na muling itaas ang alerto kung magbabago ng aktibidad sa Bulkang Taal.

 

Para sa mga residente na malapit sa ilog na may makapal na deposito ng abo mula sa bulkan, pinapayuhan na manatiling alerto sa posibilidad na magkaroon ng pag-agos ng lahar kung may malakas at matagal na pag-ulan.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr