Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

2020 Thunderbird Challenge itinakda

February 15, 2020

 

Ngayon na nasa ika-11 taon na, ang taunang Thunderbird Challenge ay maglalatag ng isang ambisyosong presentasyon na tinatayang pinakamalaking pambansang pasabong para sa pangunahing gamefowl feed company sa Asya. 

 

Nagsimula noong 2009 sa Boracay upang i-promote ang sabong at lokal na turismo sa pamamagitan ng pagtatanghal ng mga prestihiyosong pasabong sa pagitan ng mga pinakamatagumpay at iginagalang na gamefowl breeder sa buong bansa. 

 

Sinadya upang ibandera ang mga pinakasikat na tourist spots sa Pilipinas, ang Thunderbird Challenge ay ginawa rin sa Palawan, Dapitan, Bohol, Ilocos, Davao, Iloilo at Manila - Araneta Coliseum. 

 

Para sa taon na ito, nakalinya ang Thunderbird Pampanga Challenge kung saan ang kinasasabikan na Thunderbird All-Star Derby ay gaganapin sa Porac Cockpit Arena sa Porac, Pampanga sa ika-20 ng Mayo, kung saan ang mga magkakampeon sa mga Regional qualifiers ay makikipagtagisan sa mga Thunderbird national endorsers na binubuo nina Sonny Lagon, Nene Abello, Nestor Vendivil, Rey Briones, Joey Sy, Kano Raya, Pol Esrellado, Engr. Sonnie Magtibay, Boy Tanyag, Marcu del Rosario, Jezry Palmares, Dennis de Asis, Jo Laureno, Baba Yap, Bebot Monsanto, Bernie Tacoy, Winnie Codilla, Tan Brothers (Jun, Bobot & Bong), Evan Fernando, Mariano Brother (Tol & Lino), Manny Dalipe, Bentoy Sy atbp.

 

Ang mga regional qualifiers ay gagawin sa North Luzon, Pampanga, South Luzon, Panay Island, Negros Island, Central Visayas at Northwest Mindanao.

 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr