top of page
Search
  • Thea Janica Teh

Maynilad, may libreng linis ng poso-negro


Bulgarific

Hello, Bulgarians! Good news para sa mga taga-Caloocan, Malabon, Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, Pasay, Valenzuela, Quezon City at Cavite dahil ang Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ay nag-aalok ng septic tank cleaning service for free!

Ibinahagi ni Maynilad President and CEO Ramoncito S. Fernandez na bahagi ng kanilang sanitation program ang libreng septic tank cleaning service para makabawas sa polusyon ng tubig na direkta sa river system.

Ayon sa kanya, “Ibina­bahagi namin ang progra­mang ito para sa mga areas na hindi sakop ng sewer network. Sa paraang ito, naka­tutulong tayo para maiwasan ang polusyon na nakasasama sa ating yamang-tubig kaya hinihikayat natin ang lahat na mag-avail nito.”

Maaaring mag-avail ang mga kostumer ng Maynilad na naninirahan sa Barangay 1 hanggang 3, 5 hanggang 7, 9, 13, 15, 16, 18, 33 hanggang 37, 152, 154, 160, 163, 165, 167, 177, 178 at 180 sa Caloocan; Hulong Duhat, Ibaba at Muzon sa Malabon; Bignay, Lingunan at Punturin sa Valenzuela; Apolonio Samson, Bungad, Paltok at San Antonio sa Quezon City at sa ilang areas sa Merville, San Jose at San Rafael sa Pasay. Makatitipid sila ng halos Php5,000 para sa paglilinis ng kanilang septic tank!

Maaari ring mag-avail ang mga taga-south tulad sa Talon Uno, Kuatro at Singko sa Las Piñas; Sucat sa Muntinlupa; San Antonio, San Dionisio, San Isidro at Santo Niño sa Parañaque; Ligas I to III, Mambog I, Molino II at VII, Niog II and III, Queens Row Central, Queens Row East at San Nicolas III sa Bacoor, Cavite at Alapan I-A sa Imus, Cavite.

Sa mga gustong mag-avail ng programang ito ay maaaring tumawag sa Maynilad Hotline 1626 para malaman ang requirements at procedures. Para sa iba pang katanungan, maaaring bisitahin ang kanilang website sa www.mayniladwater. com.ph at sa kanilang social media accounts (Twitter: @maynilad, Facebook: MayniladWater).

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page