Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Iwas-COVID-19.. Nilalagnat, bawal sa V-Day concerts

February 14, 2020

 

Kasabay ng Araw ng mga Puso, naglatag ng mga pasilidad ang ilang establisimyento kontra sa Coronavirus Disease (COVID-19). 


Magkakaroon ng  thermal scanning sa Cultural Center of the Philippines, kung saan idaraos ang dalawang Valentine’s concerts.


Sa panayam kay Rosario Tala, nangangasiwa sa venue operations ng CCP, pagbabawalan nilang pumasok sa venue ang sinumang makikitaan ng lagnat sa bisa ng thermal scanners. 


“Those na magre-register ng 38-plus body temperature... Regrets, but we need to refuse admission,” ani Tala, na nagpaalala rin sa mga nilalagnat na huwag nang tumuloy sa mga concerts. Naglagay din ng hand sanitizers at alcohol sa venue at pasusuotin ng face masks ang CCP staff. 


Samantala, sa kabila ng pangamba sa COVID-19, pinaghahandaan na rin sa ilang restoran ang dagsa ng tao ngayong Valentine’s Day. 


Gumagamit ng mga disinfectant ang ilang restaurant managers para  linisin ang kanilang mga gamit. Puwede rin umanong humingi ang mga kustomer ng alcohol sa mga crew ng mga kainan.
 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr