top of page
Search

Ang pagmamahal ko para sa 'yo ni: Miro Posadas

Ang pagmamahal ay salitang hindi galing sa bibig kundi sa puso.

Mula sa taong nagmamahal sa iyo nang buo at totoo, kaya naman, laking pasasalamat ko na ika’y nasa akin at asahan mong lubos kitang mamahalin.

Sa una nating pagkikita, hindi ko akalaing ikaw na pala

ang babaeng para saki’y magpapaligaya.

Wala man akong maipapangako, at least, wala akong napapako,

dahil ang tanging nais gawin ay mahalin ka nang taos-puso.

Marami man akong pagkukulang,

darating ang panahon na ito’y mapupunan.

Asahan mong ikaw lang

at hindi na ibabalik kung ano ang nakaraan.

Mula sa pagmulat ng aking mga mata hanggang sa pagpikit nito,

asahan mong ikaw lang ang babaeng iibigin ko.

Kaya, mahal, marami pa tayong pagdaraanan sa buhay,

‘wag kang bibitaw, hawakan mo lang ang aking mga kamay.

Darating ang tamang panahon,

meron nang singsing sa palasingsingan mo.

Ang huling pangalan mo ay magbabago

dahil pareho na tayo ng apelyido.

Siguro naman ay alam mo na ang tinutukoy ko,

ang tanging kailangan ko ay ang pagmamahal, tiwala at pang-unawa mo.

Tandaan mo lamang na mahal kita nang wagas

at hindi na magbabago ‘yun hanggang wakas.

♥♥♥

Happy Valentines Day Rizalyn C. Gorgonia I love You♥♥♥

 

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page