top of page
Search
  • Jersey Sanchez

Inidoro na naka-slant para hindi gawing tambayan ng gumagamit, naimbento

Sa panahon ngayon, kabilang na ang CR sa mga tambayan dahil ‘pag narito tayo, puwede nating bitbitin ang ating mga cellphone para mag-internet habang pumupupu o mag-sound trip habang naliligo. Partikular sa pagtagal sa banyo sa komportableng pagkakaupo kapag dumudumi tayo, alam n’yo ba na hindi na natin ito puwedeng gawin dahil sa bagong imbensiyon?

Mahabang “bathroom break” ang nagbibigay sa atin ng oras na maging updated sa ating mga social media account. ‘Yung tipong habang nasa CR ka ay nagmu-multitask ka dahil habang pumupupu ka, kering-keri mo nang maging updated sa mga balita sa social media at magsagot ng mga emails. Agree?

Pero stop na raw sa ganitong habit dahil meron nang bagong toilet seat na ginawa para hindi maging komportable sa loob ng mahabang oras na pag-upo ang gagamit nito.

Ito ay tinawag na Standard Toilet na idinisenyo ni Mahabir Gill, consulting engineer, kung saan naka-slant ito nang 13 degrees at walang choice ang gagamit kundi gamitin ang kanilang leg muscles para hindi madulas o bumagsak ang kanilang katawan.

Ayon sa nakaimbento, komportableng makauupo ang gagamit ng toilet seat sa loob ng 5 hanggang 7 minuto at ang 13 angle slant ay sapat lang para magkaroon ng “feelings of strain” sa legs at walang choice kundi tumayo agad ang user pagkatapos gumamit. Dagdag pa rito, wala namang masamang epekto ang disenyo ng toilet seat sa kalusugan ng tao.

Ang disenyo ng Standard Toilet ay inspired sa personal na experience ng designer. Gayundin, nalaman niya na marami kasing empleyado ang natutulog sa toilet habang working hours.

May kilala ba kayo na palaging tumatagal sa banyo o kayo mismo ito? Naku, no more “long bathroom breaks” ‘pag gumamit kayo ng Standard Toilet.

Well, challenge man ito sa unang tingin, for sure, ito ay mapakikinabangan din natin. Kuha mo?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page