top of page
Search
  • Thea Janica Teh

Tulong ng PhilHealth sa mga biktima ng Taal volcano, aabot ng bilyon


Bulgarific

Hello, Bulgarians! Bilang pagbibigay ng agarang tulong sa mga nasalanta ng pagsabog ng Bulkang Taal, minarapat ng PhilHealth na patuloy lamang ang pagbibigay ng health care service sa mga Health Care Institution (HCI).

Sa ilalim ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM) ang paglabas ng PhilHealth ng pondo para maibigay ang mga pangangailangan ng mga naapektuhang HCI.

Ang IRM ay alinsunod sa PhilHealth Circular 34 s-2013 na pagbibigay ng mga prebilehiyo sa mga lugar na naapektuhan ng kahit anong sakuna.

Ang pondo ay para sa hospital, primary care facilities, ambulatory surgical clinics, freestanding dialysis centers at maternity care package providers na accredited hanggang noong December 31, 2019 at nakapag-apply na ng renewal ngayong 2020.

Halos bilyon ang ilalabas na pondo para rito dahil sa nakabaseng average reimbursement per day. Ang kanilang initial release ay umabot sa Php322.3 milyon na kailangang mailabas agad para maibawas ang 50% of claims ng apektadong pasilidad na pinoproseso na ng ahensiya.

Ang inilabas na pondo ay mababawas sa computed IRM fund ng mga pasilidad na posibleng tumaas din depende sa pangangailangan ng naapektuhang health facility.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page