top of page
Search
  • Jersey Sanchez

Hirap mag-ipon at mag-budget? Tips para magastos nang tama ang pera

Mahirap talagang tanggapin na lahat tayo ay tumatanda. Well, parte ng buhay nating lahat ang pagsabak sa mundo ng pagiging adult o adulting kaya totoo na tapos na talaga ang maliligayang araw ng ating kabataan. Hu-hu-hu!

Para sa mga beshies nating nangangapa sa adulting world, narito ang ilang money management tips para sa inyo:

1. I-BUDGET ANG SUWELDO. Para sa mga beshies natin d’yan na first time magtrabaho, ang una mong dapat matutunan ay ang pagba-budget ng suweldo. Hindi importante kung malaki o maliit ang suweldo mo dahil ang mahalaga ay matutunan nating magtabi para sa mga importanteng bagay tulad ng bayarin, insurance o emergency.

2. MAGBAYAD NG BILLS ON-TIME. Parte rin ng pagma-manage ng pera ang paniniguradong nababayaran sa tamang oras ang mga bayarin. Para makaiwas sa mga pila kapag magbabayad, bayaran sa iisang lugar ang bills sa kuryente, tubig, internet at iba pa. Puwede mo rin itong gawin online, pero dapat ay maging mas maingat ka sa iyong mga transaksiyon.

3. MAGBUKAS NG SAVINGS ACCOUNT. Kung may payroll account ka, mabuting magkaroon ng hiwalay na savings account sa bangko. Magtabi ng takdang halaga ng pera saka ihulog kada buwan, gayundin, kailangan mong maging consistent sa paghuhulog sa iyong savings account nang sa gayun ay siguradong makaipon ka.

4. MAG-AVAIL NG MEMBERSHIP CARD. Dahil adult na tayo, gagawin na rin natin ang palaging ginagawa ni nanay tulad ng regular na pagpunta sa grocery, botika at department stores para sa ating mga pangangailangan. Kaya naman, ‘wag na kayong magdalawang-isip na mag-avail ng membership card. Madalas, meron silang mga pakulo o gimik na exclusive para sa kanilang members tulad ng discount, freebies at kung anu-ano pa. Malaking tipid din ito, besh!

5. NO TO SHOPPING SPREE. Kapag meron na tayong steady income, nakatutukso talagang gastusin ang pera sa kung anu-anong bagay. Ito ay dahil mahirap nang iwasan ang mga tukso tulad ng online shopping o pamimili sa mall, lalo na kung maraming sale o free shipping. Wala namang problema sa pamimili ‘pag naka-sale, pero mga besh, tandaan na kahit naka-sale ang produkto, kung hindi mo ito kailangan, hindi ka nakatipid.

Sa unang tingin, hindi talaga madali ang pagiging adult, pero kung gagawin natin ito sa tamang paraan, siguradong hindi tayo mahihirapan.

For sure, hindi lang ikaw ang nahihirapan kaya naman make sure na ibabahagi mo sa kapwa mo millennial ang mga tips na ito.

Ayos ba?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page