top of page
Search
  • V. Reyes

Mga biktima ng Taal, pasok sa PhilHealth


Hinihimok ni Iloilo Rep. Janet Garin ang PhilHealth board na agad nang mag-convene at magpatibay ng resolusyon para awtomatikong gawing miyembro ang mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Sinabi ni Garin na mahalagang masakop na rin ng PhilHealth ang mga apektadong residente upang mabilis na maibigay ang tulong-pangkalusugan sa mga ito.

Wala na aniyang sapat na panahon para isa-isahin pa kung miyembro o hindi ang mga residente sa gitna ng agarang pangangailangan at dumaraming nagkakasakit sa mga evacuation centers.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page