Tiniyak ng BFAR.. Isda sa Taal Lake, safe kanin

January 21, 2020

 

Ligtas kainin ang isda mula sa lawa ng Taal, ayon sa Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). 

 

Sa Bulletin No. 7 na ipinalabas ni Agriculture Secretary William Dar, kamakalawa, sinabi ng kalihim na walang panganib na kainin ang mga isdang galing  sa lawa ng Taal sa  kabila ng pag-aalburoto at pagbubuga ng makapal na abo ng Bulkang Taal. 

 

“Batay sa ginawang laboratory analysis ng tubig at fish samples mula sa Taal Lake, ligtas kainin ang mga isdang hinuli nang buhay mula sa lawa.

 

Gayunman, dapat hugasang mabuti, alisin ang lamang-loob at lutuing mabuti ang mga isdang huli sa lawa,” ayon sa DA at BFAR. 

 

Ang opisyal na pahayag ng DA-BFAR ay salungat sa unang babala mula sa Department of Health (DOH) na umano’y peligrosong kainin ang mga isdang nahuli sa Taal Lake tulad ng tilapia, bangus, tawilis, maliputo at iba pa. 

 

Samantala, labis na ikinagalak ng mga mangingisda ng Taal ang opisyal na pahayag ng DA-BFAR na nag-alis sa agam-agam ng publiko, kabilang na ang libu-libong  evacuees na kumakain ng isda at maging mga taga-Metro Manila na bumibili ng tilapia na hango sa Taal. 

 

Umapela sa DA at BFAR ang Taal Lake Aquaculture Alliance, Inc. (TLLAI) na binubuo ng halos 6,000 fish cage owners sa Taal, na payagan silang puntahan at hanguin ang  mga isda mula sa lumulutang nilang fish cages sa lawa. 

 

Ayon sa tala ng BFAR, tinatayang aabot sa 6,000 fish cages o mahigit 15,000 metric tons ng isda ang masasalanta sa inaasahang pagsabog ng Taal. 

 

Dahil dito, nanawagan ang TLLAI na payagan silang hanguin mula sa fish cages ang mga natitira pang isda upang ito’y mapakinaangan ng mga mangingisda at maging ng  libu-libong nasa evacuation centers na kulang sa pagkain. 

 

Handa umano ang grupo na makipag-ugnayan sa mga kinauukulan para sa maayos at ligtas na pag-ani ng kanilang alagang isda.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.