top of page
Search
  • V. Reyes

Pagkulo ng tubig mula sa Bulkang Taal lalong lumakas


Kinumpirma ng Phivolcs na mas malakas ang pagkulo ng tubig sa bunganga ng Bulkang Taal hanggang kahapon ng umaga kumpara sa mga nakalipas na araw.

Ayon kay Phivolcs Director Undersecretary Renato Solidum, halos triple rin ang inilabas na sulfur dioxide ng Taal Volcano sa nakalipas na 24-oras na 4,353 tonnes per day kumpara noong Sabado hanggang Linggo na 1,442 tonnes kada araw.

Tinukoy din ni Mariton Bornas ng Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division ang pamamaga ng Volcano Island at paglubog sa hilagang-silangang bahagi ng isla.

Nangangahulugan umano ito na may magma pa rin sa ilalim ng Taal at senyales ito na maaaring sumabog.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page