Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

P30 bilyon para sa Taal survivors — P-Duterte

January 21, 2020

 

Hihilingin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na magpasa ng supplemental budget para sa Taal survivors.

 

Halagang P30 bilyon umano ang ihihirit nito sa mga mambabatas para sa mga biktima ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

 

Samantala, umapela rin si P-Digong para sa malawakang konstruksiyon ng mga evacuation centers lalo na sa mga probinsiya na madalas tamaan ng kalamidad.

 

Dahil dito, hinimok ng Pangulo ang Kongreso na maglaan ng pondo para sa naturang proyekto kung saan madalas na  lumilikas  ang mga residente kapag may kalamidad.

 

Aniya, kabilang sa mga probinsiya na dapat magkaroon ng evacuation centers ang Samar, Isabela, Cagayan at Batangas.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr