Sabit sa kontrobersiyal na bidding.. Ombudsman sa DPWH: 5 opisyal, suspendihin

January 20, 2020

 

Hinimok si DPWH Secretary Mark Villar na ipatupad na nito ang preventive suspension order laban sa isang regional director at apat na iba pa na iniutos ng Ombudsman. 


Ayon kay Atty. Mikhail Lenin Bueno, muli siyang umapela kay Villar na ipatupad na nito ang preventive suspension order kina DPWH officer-in-charge Region 5 Director Virgilio Eduarte, Atty. IV Eulogio Laboga, quality assurance and hydrology chief; Brenilda Mendoza, equipment managment division chief; Romy Gumban at Serafin Lago na hepe ng Road Heigthening and Tide Embankment.

 
Nag-ugat ito sa reklamo ni Edgar Tiu na may-ari ng B. M. Marketing construction company nang i-disqualify siya sa public bidding ng kanyang inireklamo noong nagsisilbi pang assistant regional director sa DPWH Region 8 na si Eduarte at apat pang opisyal. 


Ikinatuwiran ni Eduarte na hindi nakapasa sa technical requirements ang kumpanya ni Tiu. Gayunman, pumasa umano sa qualification ang kumpanya para sa construction ng storm surge protector, road heightening and tide embankment na may approved budget sa contract (ABC) na P264,218,720.97. 


Samantala, aprubado ni Ombudsman Samuel Martires ang 6-month suspension na walang suweldo laban kay Eduarte at iba pang opisyal noong Feb. 1, 2019 subalit, hindi ipinatupad ng DPWH. Dahil dito, muling lumiham nitong January 2, 2020 si Assistant Ombudsman Pilarita Lapitan kay DPWH Sec. Mark Villar upang ipatupad ang preventive suspension.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.