Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Dahilan ng sakit ng Taal survivors — DSWD.. Lumang damit ‘wag nang i-donate

 

Hindi inirerekomenda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagdo-donate ng mga ‘used clothing’ o mga lumang damit sa mga biktima o survivors ng kalamidad. 


Ito ay para na rin umano makaiwas sa pagkalat ng sakit na maaaring malipat sa pamamagitan ng mga lumang damit. 


Samantala, ang Citizens’ Disaster Response Center naman ay nagpaalala sa publiko na piliin ang mga ido-donate na damit. 


Tiyakin umano na ang ido-donate na damit ay maaaring magamit ng mga evacuees. 


Una nang nag-viral sa social media ang larawan ng mga bakwit suot ang mga donasyong damit tulad ng mga uniporme sa fastfood, wedding gown at iba pa. 


Samantala, kinuwestyon naman ng Palasyo ang pagbibigay ng donasyon sa mga evacuees ng mga Amerikana at pangkasal na gown.


Ani Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi niya maintindihan kung bakit may mga nagbibigay ng donasyon na pang-rampa gayung nakararanas ng kalamidad ang mga taga-Batangas.


Gayunman, ayon kay Panelo, ang mahalaga ay marami ang nagbibigay ng ayuda lalo na sa pagkain, damit at iba pa.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr