top of page
Search
  • MC

Sports coaches, trainers tataasan ang suweldo


Inaprubahan na ng gobyerno ang dagdag na suweldo para sa mga pambansang coaches upang lalo silang ganahan na makapag-train ng iba pang mga atleta nang full time.

Aprubado naman ng Philippine Sports Commission ang suweldo na igagawad para sa Class A coaches na may kompensasyon na $2,000 (roughly P100,000) kada buwan.

Tataasan din ng suweldo ang assistant coaches na titiyaking makatanggap ng bawat isa ng $1,500 (P75,000) bilang buwanang sahod.

Daraan naman sa masusing ebalwasyon ng PSC ang performances ng bawat coaches sa ilalim ng payroll ng agency upang madetermina ang pagtaas ng kanilang sahod.

Ang head coaches ay karaniwang nasa classified Class A, habang ang assistant coaches at trainers nasa klasipika ng B at C, ayon sa pagkakasunod.

Ang Class A coaches ay kasalukuyang nakatatanggap ng P60,000, habang ang Class B ay entitled sa P40,000 monthly.

Ang kompensasyon na ito ay halos didikit sa antas na nakukuha ng foreign coaches, na mahigit sa $3,000 monthly.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page