top of page
Search
  • Socrates Magnus

Senyales na makakatuluyan ang gumugulo sa isipan kahit may dyowa pa itong iba

Salaminin natin ang panaginip ni Mariko ng Mariko_De_Leon@facebook.com

Dear Professor, Nanaginip ako na kumakain ako sa McDo, tapos nakaupo ako sa pahabang upuan at alam ko na may kausap akong lalaki na crew na kakilala ko. Tapos, maya-maya, nakita ko ‘yung bestfriend kong babae.

Nakaupo siya malapit sa akin na medyo katabi ko, tapos may itinatanong ako sa kanya na ang tagal niyang sagutin kasi hindi niya masyadong maalala.

Paglingon ko sa kabilang table, nandu’n ‘yung mama at kuya ng ex ko. May sinasabi sila na pabulong, pero nakatitig lang ako sa kanila kasi hinihintay ko ‘yung sasabihin ng kaibigan ko.

Nagmamadali ‘yung kuya niya, ‘yun pala, sinasabi nila na lumipat ako ng upuan dahil nand’yan ‘yung ex ko at ‘yung bago niyang GF (na GF niya talaga in real life).

Sumama ‘yung loob ko kasi ako ang nauna ru’n, pero ako pa ang nag-adjust at lumipat. Lumipat kami ng kaibigan ko sa halos katapat lang nila at may nakatabi akong lalaki na pamilyar sa akin. Naka-white na polo at walang mukha, pero alam ko, guwapo siya.

Nagtataka lang ako na bago ako nagka-BF noon ay nanaginip ako ng lalaki na nakaputing polo rin na walang mukha na nakatayo, tapos may liwanag sa likuran niya, but this time, katabi ko siya.

Kagabi lang, nanaginip ako na mahal namin ang isa’t isa nu’ng guy, pero iba ‘yung pinili ko kasi ‘yun ang makabubuti para sa kanya. Ramdam ko ‘yung pain sa panaginip ko, kasi hindi ko siya magawang piliin dahil mas mabuting

iba na lang ang piliin ko.

Naguguluhan ako sa panaginip ko. Sana ay matulungan n’yo ako.

Naghihintay, Mariko

Sa iyo Mariko, Magulo talaga ang umibig, kaya nga marami ang ayaw nang magmahal kasi gumugulo lang ang kanilang buhay at isipan.

Be that as it may, kung sino ang gumugulo sa isipan at buhay natin, siya na at walang iba ang ating true love. Dahil dito, ‘wag kang mag-alala dahil makatutuluyan mo ang gumugulo sa isipan mo.

Mahirap paniwalaan, pero ito ay tiyak na mangyayari na kahit pa may GF na siya, mapupunta pa rin sa iyong mga kamay.

Maghintay ka lang dahil bukod sa ang pag-ibig ay magulong bagay, ito rin ay hinihintay, hindi minamadali at hinahayaang kusang mapunta sa kung kanino siya nakatakda.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page