top of page
Search
  • MC/ATD

Powell at Nunn, bida sa Raptors, Heat at Pacers


Humalibas si Norman Powell ng 28 puntos at sumunggab ng 5 rebounds nang gapiin ng Toronto Raptors ang bisitang Washington Wizards, 140-111 kahapon sa NBA game.

Dumagdag si Marc Gasol ng 20 points para sa Raptors na nakapagwagi ng 7 diretsong puntos laban sa Wizards, kabilang na ang dalawa ngayong season.

Sila ang nakagawa ng pinakamaraming puntos sa laro ngayong season para sa Toronto.

Nakagawa si Terence Davis II ng 23 points para sa Raptors na nagwagi ng dalawang magkasunod. Dumagdag si OG Anunoby ng 18 puntos at may 15 puntos si Serge Ibaka at 8 rebounds, may 12 points si Pascal Siakam habang

may 11 puntos at 8 assists si Kyle Lowry.

Tumabo si Troy Brown Jr. ng 22 puntos para sa Wizards na natalo ng tatlong diretsong laro. Nakabakas si Isaac Bonga ng 17 puntos at 10 rebounds. May 14 puntos si Bradley Beal, may tig-12 sina Ish Smith at Davis Bertans habang may 11 si Anzejs Pasecniks.

Sa iba pang laro, umiskor si Kendrick Nunn ng 22 puntos para tustahin ng Miami Heat ang Oklahoma City Thunder, 115-108.

Habang hindi nakalalaro si Steven Adams (right knee contusion) para sa Thunder, sinamantala ito ng Heat mula sa simula sa bisa ng atake ni Bam Adebayo.

Nakagawa sa Heat ang may pangatlong taon nang player ng 10 puntos sa unang quarter, para sa natipon na 40 puntos ng Miami at nakalamang sa 14-point lead.

Samantala, nakapagtarak si Malcolm Brogdon ng tiebreaking 15-footer sa nalalabing 18.7 segundo habang si T.J. Warren ay umiskor ng game-high 28 points nang pahiyain ng host Indiana Pacers ang pagbabalik ni Karl-Anthony

Towns sa bisa ng 116-114 victory kontra sa Minnesota Timberwolves upang walisin ang homecourt series.

Nagwagi ang Pacers ng 104-99 sa Minnesota noong Miyerkules kung saan hindi nakalaro si Towns dahil sa sakit upang ipagpatuloy ang 15 diretsong hindi niya paglalaro makaraang dumanas ng knee injury.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page