top of page
Search
  • Julie Bonifacio

Pinoy boy band group na pormang K-pop.. SB19, ka-level si Mariah Carey

Excited kami nu’ng launching ng second single ng all-male Pinoy Korean-trained group na SB19 dahil muli na naman namin silang mapapanood mag-perform.

Pagkatapos kasing mapanood at makausap namin sila sa media launch ng naunang single nila na Go Up last year, kung saan-saan na namin sila nakikita.

Naging visible sila on TV and radio at maging sa MRT ay lagi namin silang napapanood with the rest of the commuters inside the train.

No wonder, nu’ng inilabas na sa ere ang Alab na latest single nila, agad itong nag-top sa music chart at nakakuha ng 500,000 views sa YouTube ang kanilang music video sa loob lamang ng 24 oras.

Ang SB19 ay binubuo nina Sejun, Stell, Justin, Ken and Josh na pawang mga Pinoy, pero mga Koreano ang nag-train at nagha-handle ng kanilang career, kaya ang hitsura nila ay may pagka-K-pop.

Ang kanilang mga manager ay sina Charles Kim at Robin Geong, na mas nais

na tawagin siya bilang si Tatang Robin.

Masayang ibinalita ni Tatang Robin, CEO ng ShowBT Philippines, ang tinamong tagumpay ng grupo after mai-launch sila sa ‘Pinas last year.

Isa sa magagandang balita ni Tatang Robin ay nu’ng maka-level ng SB19 si Mariah Carey dahil sa naging top favorite ang kanta nila sa isang music chart. Taray, ‘di ba?

Tsika pa ni Tatang Robin, may plano raw silang makipag-collaborate ang SB19 with other Pinoy and K-Pop artists kabilang na sina Sarah Geronimo, Gary Valenciano, Vice Ganda, ang K-Pop group na Seventeen at iba pa.

In fact, may kinakausap na raw si Tatang Robin and his group na isang famous K-Pop group para makipag-collaborate sa isang project with SB19.

Ang Alab ay ang SB19’s first official single under Sony Music Philippines. Pinarangalan naman ang grupo bilang Favorite Group of the Year award mula sa isang entertainment website last November, 2019.

“This is just the beginning. We’re making history and P-pop, together, we will make history. We will never give up. We’re gonna go up,” sabi pa ni Tatang Robin.

Samantala, ikinagulat ng mga members ng SB19 ang balitang may mga ilalabas na malalaki nilang billboards sa EDSA at sa iba pang lugar. “Isa rin po ‘yun sa nagugulat kami na projects nila sa amin, dahil hindi po namin inaasahan ‘yun, sa totoo lang po,” lahad ni Josh.

Open din ang SB19 sa possibilities na makapag-perform sa ibang bansa like sa South Korea at sa US.

For sure, hit agad ang music video ng SB19 na Alab sa social media. Malay natin, magkaroon din ng mala-Tala nationwide dance craze ang Alab, ‘di ba?

Anyway, congrats sa SB19 for their new single!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page