Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Pang-aabuso sa aktres, ibinulgar sa YouTube… Go Eun Ah, pinalo ng baseball bat sa ulo at likod ng dating manager

January 19, 2020

Lee Vin Nia / K-Buzz

 

Photo: Youtube - MIRBANG

 

Binunyag ng aktres na si Go Eun Ah ang pang-aabuso at invasion of privacy na naranasan niya sa kanyang dating management sa You Tube channel ng kapatid niyang si Mir na miyembro naman ng boy group na MBLAQ.

 

Sa nasabing video published last Jan. 15 ay kaswal na nag-uusap ang magkapatid tungkol sa mga scandals sa showbiz at dito, naikuwento ni Go Eun Ah ang nangyari sa kanya.

 

“There was a rumor going around the agency at the time that I was dating a senior actor,” kuwento niya as translated in English by Soompi.

 

“After a filming shoot, I went with a female stylist to see a movie. However, someone gave my agency the wrong information and so the fact that I went to the movies with my stylist was misunderstood as me going with a man.”

 

Nagpunta raw ang ilang empleyado ng kanyang agency sa sinehan para sunduin siya at pati ang telepono niya ay kinuha. Ang stylist daw na kasama niya ay umalis at iniwan siya.

 

Ang ginawa pa raw ng staff ay kinuha sa bag niya ang phone at tsinek kung sino ang kanyang mga nakausap or naka-text.            

 

At ang nakakaloka, pati ang staff ng sinehan ay tinanong daw ng mga ito kung ilang tickets ang kanyang binili.

 

Pero ang mas nakakawindang ay ang kuwento niya na habang nakaupo siya sa desk ay kumuha raw ng baseball bat ang boss ng agency at ipinalo ito sa kanyang ulo.

 

“I felt like my skull was breaking,” aniya. “I basically was half passed out with my eyes open.”

 

Patuloy pa ni Go Eun Ah ay hindi siya umiyak at nagtagis na lang ang kanyang ngipin. Pinahiga raw siya patalikod at pinalo pa siya sa likod ng baseball bat.

 

Tinanong siya ng kapatid kung hindi man lang daw ba kinuha muna ng agency ang kanyang side at kinumpirma naman ni Go Eun Ah na hindi nga siya tinanong man lang.

 

Hindi pa rito natapos ang kanyang ordeal at tinawagan    pa raw ng agency ang kanyang ina at pinapunta sa office. Lumuhod pa raw ang kanyang ina sa harap ng boss at tinawagan din daw  ang kanyang ama para sabihing

kailangang magbayad ito ng penalty for breach of contract.

 

Pagkatapos daw nito ay sinabihan siya ng head ng agency na magpahinga na lang habambuhay at umalis na’t iniwan na silang mag-ina.

 

Pero pagkatapos daw nito ay tina-track pa rin ng agency ang lahat ng kanyang galaw at may security guard pa raw sa apartment  nila na  nagbabantay.

 

“And when I came home after filming, I had to keep reporting to them. I’d say, ‘I washed up,’ ‘I’m going to eat now,’ ‘I’m going to sleep now,’ ‘I’m lying down.’

 

And then in the middle of the night, my manager would ring my doorbell to see if I was really at home or not,” kuwento pa ni Go Eun Ah.

 

Pero nilinaw naman ng aktres na matagal nang panahon na nangyari ito at naka-move-on na siya. Sabi naman ni Mir na bata pa that time, natatandaan nga niyang lagi raw stressed at sensitibo ang kanyang ate nang mga

panahong ‘yun.

 

In-assure rin ng magkapatid ang mga viewers na hindi na raw nangyayari ang mga ganitong pang-aabuso ngayon sa  mga artista.

 

“It happened a long time ago and I got through it,” sabi pa ni Go Eun Ah.

 

Nag-debut si Go Eun Ah as a commercial model in 2004 at pagkatapos nu’n ay lumabas sa ilang K-dramas at mga pelikula. She is best known as Keum-shil in the K-drama, Golden Apple in 2005. Napanood din siya sa mga tv series na Drama City, Rainbow Romance at sa pelikulang Beastie Girls,

Sketch, A Million at marami pang iba. 

 

Sa ngayon ay 31 years old  na ang aktres.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr