top of page
Search
  • VA

NU Girls Volleyball Squad, napili sa U-19 National Team


Nahirang ang mga pangunahing manlalaro ng National University high school girls volleyball squad para maging nucleus ng pool ng Philippine Under-19 Women’s National Volleyball Team.

Inihayag ng Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. na pinili nila ang mga itinuturing na best high school players na pinangungunahan ng core ng Lady Bullpups upang kumatawan sa bansa sa 2020 Asian Women’s U-19 Volleyball Championship sa Chongqing, China sa Hunyo 22 - 29.

Ang core ng NU ang napili para manguna sa national pool dahil sila ang may pinakamatagumpay na girls volleyball program sa nakalipas na anim na taon.

Ang Junior Lady Bullpups ang umangkin sa titulo ng UAAP Season 82 Girls’ Volleyball Tournament, ang kanilang panglima sa nakaraang anim na championships ng liga.

Ayon kay National team program head Peter Cayco, aalisin na lang sa core ng Lady Bullpups na binubuo nina Evangeline Alinsug, Michaela Belen, Alyssa Solomon, Camilla Lamina, Erin Pangilinan, Sheena Toring, Kamille Cal, Merienne Maderazo at Taylor Peña ang hindi pasok sa age limit.

Napili ng LVPI ang mga beteranong mentors na sina Kungfu Reyes at Bryan Esquibel para maging coach ng youth squad.

Inimbitahan rin nila si NU Lady Bullpups coach Regine Diego upang maging bahagi ng coaching staff.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page