Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Hirit sa mga nagdo-donate sa Taal.. Huwag puro de-lata

January 18, 2020

 

Nanawagan ang local government  unit  sa mga donor na huwag puro canned goods ang ibigay at sa halip ay masusustansiyang pagkain para sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.

 

“‘Yun na lang pong maluluto ng ating mga community kitchen... ‘yung mga raw food, gulay,” ani Ghie Gonzales, pinuno ng disaster risk reduction and management office.

 

Umapela rin ng tulong ang pamahalaang lokal para sa iba pang mga gamit na kailangan ng mga lumikas tulad ng kutson na para sa mga bata at matatanda.

 

Samantala, sa bayan ng Talisay, kung saan halos isang linggo nang walang suplay ng tubig, namamalimos na umano ng tubig ang ilang evacuees sa mga dumaraang motorista.

 

Ibinalandra ng ilang evacuees ang mga drum sa kalsada at pinapara ang mga motorista  para  manghingi ng tubig.

 

Idinadaing din nila ang kagat ng mga insektong nabulabog dahil sa pagputok ng bulkan.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr