top of page
Search
  • MC

Bataan, Valenzuela at Marikina, panalo sa MPBL


Photo: Maharlika Pilipinas Basketball League

Nakaharap ang Bataan Risers sa napakahirap na laban kontra Navotas Uni-Pak Sardines bago nanaig sa dakong huli, 81-78, at nanatili sa kontensiyon para malagay sa top four finish sa North division elimination round ng Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season na idinaos sa Valenzuela Astrodome.

Trumangko ang Risers sa 11 puntos sa unang quarter at tuluyang nakontrol ang ikatlong peryodo, 60-56 tungo sa ika-apat na diretsong panalo hawak ang 18-9 record.

Pinamahalaan ni John Bryon Villarias ang opensiba para sa Camaya Coast-backed Bataan, nagpakawala ng 10 sa kanyang 16 puntos upang matulungan ang Risers na pahiyain ang final rally ng Navotas.

Bagamat wala na sa kontensiyon sa kartadang 7-20, hindi sumuko ang Navotas at dumikit sa 78-80 mula sa tres ni Osama Abdurasad. Nakagawa ng free throws si Gino Jumao-as sa nalalabing 11 segundo upang ibigay sa

Bataan ang 3-point lead sa natitirang 11 segundo.

Nakagawa si Allan Evangelista ng Navotas ng pagpatas sa iskor na ikinahinga nang maluwag ng Risers, na nasa likod ng 4th ranked Bulacan Kuyas (18-9) una sa Pampanga Giant Lanterns, 17-9. Topscorer para sa Bataan si Enrico John Llanto sa 18 kasunod nina Villanueva at James Darwin Castro na may 14. Nakapagtarak ang Navotas ng 17 points mula kay Jhong Bondoc, 16 mula kay Mark Anthony Guillen at 14 mula kay Abdurasad.

Sa iba pang laro, nanaig ang Valenzuela Class sa Rizal Golden Coolers, 81-77 at tinalo ng Marikina Shoemasters ang Parañaque Patriots, 89-82.

Nakalalamang ng 11 puntos sa 4th quarter ang Cargo Backload, nagawa pa ng Golden Coolers na makontrol ang laro sa 75-73.

Nakapagsalpak si Paolo Hubalde ng game-high 27 puntos, habang si Jayson Varilla ay nagpaangat sa Valenzuela na 11-16 sa win-loss record at lagpak ang Rizal sa 4-20 kartada.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page