top of page
Search
  • Janice Baricuatro

Mga tulong sa Taal, dagsa


Tambak na mga damit, bottled water at relief goods ang mga nasa evacuation center sa Cavite matapos dumagsa ang tulong mula sa iba’t ibang ahensiya at grupo sa bansa.

Kasabay ng pasasalamat, nanawagan din ang lokal na pamahalaan ng Cavite sa mga nagnanais pang tumulong sa mga nasalanta ng pagsabog ng Bulkang Taal na kung maaari ay samahan ng iba pang pangangailangan tulad ng

kumot, unan, banig, tuwalya, flashlight at mga hygiene kit.

Sa kasalukuyan, sobra umano ang used clothes na dumarating pero, problema pa rin ang ilang mga bagay tulad ng mga nabanggit.

Ayon naman kay Winston Esguerra, Public Health Nurse sa Alfonso, sapat pa ang kanilang mga gamot pero, nangangailangan pa rin ng para sa hika, lagnat, ubo, sipon at hypertension.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page