Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

14 na bayan sa Batangas, bawal nang pasukin

January 18, 2020

 

Isinailalim na sa lockdown ang 14 na bayan sa Batangas sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

 

Ayon kay Batangas Disaster Risk Reduction and Management Office Head Lito Castro, hindi na pinapayagan ang mga residente na nasa 14-kilometer radius danger zone na bumalik sa kanilang mga bahay.

 

Nauna nang tinukoy ng Phivolcs na posibleng maapektuhan ng pagsabog na kinabibilangan ng ballistic projectile, base surge at volcanic tsunami ang mga bayan ng Agoncillo, Alitagtag, Balete, Cuenca, Laurel, Lemery, Malvar, San Nicolas, Santa Teresita, Taal, Talisay, bahagi ng Lipa, bahagi ng Mataas na Kahoy at bahagi ng Tanauan.

 

Samantala, nababahala si Castro na kung magpapatuloy ang pag-aalburoto ng Bulkang Taal sa matagal na panahon ay kakapusin ang pondo para tulungan  ang mga nasalanta.

 

Lumobo naman  sa P3.06 bilyon ang halaga ng pinsala ng pagsabog ng Bulkang Taal sa mga taniman at hayupan sa Region 4-A at Calabarzon.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr