Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

‘Wag gamitin — DOH.. Bra na face mask, nakakamatay

January 18, 2020

 

Nilinaw ni Health Sec. Francisco Duque III na hindi maaaring gamitin ang bra bilang pamalit sa face mask lalo na kung may ash- fall.

 

Paliwanag ni Duque, walang porous ang bra kaya hindi ka makakahinga rito.

 

Kasabay nito, iginiit ni Duque na hindi posisyon ng DOH na puwedeng maging alternatibong face mask ang bra at personal na opinyon lang ito ng isa sa kanilang assistant secretary.

 

Binigyan-diin ng kalihim na ang maaaring maging alternatibo o pamalit kung walang face mask ay panyo o bimpo at basain ito bago ipantakip sa ilong.

 

Matatandaang, sa nakaraang briefing sa Malacañang, una nang sinabi ni DOH Asec. Francia Laxamana na maaaring  gamiting pamalit sa face mask ang mga bra, panty at diaper.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr