Bulkang Taal, bahagyang nananahimik

January 17, 2020

 

Humina na ang mga aktibidad ng Bulkang Taal kumpara sa mga nakalipas na araw matapos ang pagsabog nito noong Linggo.


Sa kabila nito, ibinabala ni Ma. Antonia Bornas, pinuno ng Phivolcs Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division na nanganganib pa rin na mangyari anumang oras ang matinding pagsabog ng bulkan. 


Nakataas pa rin ang Alert Level 4 na ang ibig sabihin ay may posibilidad ng biglaang malakas na pagsabog sa main crater ng Taal Volcano.


Tinukoy ni Bornas na isa sa mga nakababahalang epekto ng pagsabog ng Bulkang Taal ay ang tinatawag na base surge o ang napakalakas na pagsabog mula sa bulkan na lilikha ng mataas na pagbuga at babagsak sa bilis na 60 hanggang 80 kilometro kada oras.


Kapag nangyari ito ay wala ng pagkakataon ang mga nasa paligid ng volcano island na makatakas o makalayo.


Maliban pa rito ang posibilidad na magkaroon ng volcanic tsunami.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.